Latest Entries »

SULAT NI NANAY AT TATAY


Advertisements

firef.LIES…


Sa panahon natin ngayon, ngayong uso na ang pouted lips, habayanas, istarbaks, party, slimming tea, vicky belo, cherifer, at kung anu-ano pang pang-transform, meron pa kayang taong hindi marunong magsinungaling? Wala na ata, at kung meron man, siguradong malapit na syang kunin ni Lord. Naging kaugalian na ng tao yan ang pagsisinungaling, lalo pa sa mga pilipino na likas ang pagiging mayabang at sinungaling, kahit saan ka ata pumunta hindi mawawalan ng mga sinungaling, kahit sa palengke, sasabihin ng mga tindera na sariwa ang isda nila kahit noong nakaraang bagyo pa ito nahuling lumulutang sa dagat. At sa mga paradahan ng jeep, sasabihin nilang tatakbo na ang jeep kahit isa pa lang ang pasahero, at kahit alam mong mapuno na ito, at kalahati na lang ng pwet mo ang nakasabit sa upuan e hindi pa din to tatakbo dahil kulang at kulang pa din daw ng isa. Pag na-late ka sa date mo, magdadahilan ka ng kung ano ano, pag nalate ka sa klase at pag absent ka. Magsisinungaling at magsisinungaling ka para maligtas ka sa posibleng mangyari sayo kung magsasabi ka ng totoo.

Literrally, Lying is communication with the intention of creating a false belief. A sarcastic statement which is not intended or expected to create a false belief is not a lie, even if it creates a false belief. If a statement is true, but the communicator believes it is false, it still counts as a lie. Hehe..yan! galing noh? Alam nyo ba na kahit ang mga magulang natin ay nagsisinungaling din paminsan minsan, katulad ng pag sinabihan ka ng nanay mo na ikaw ang pinakamaganda at pinakagwapo sa lahat kahit na kamukha mo si bakekang at ikaw palagi ang ipinangaasar ng mga kaklase mo pag me inaaway sila, usong uso kase noon sa mga bata ang ipina-partner ka sa pinakapanget sa klase nyo. katulad ng uyyy syota mo si..(tapos ikaw yun), pero sasabihin ng nanay mo na wag maniniwala sa kanilang panget ka at paniniwalain kang kamukha mo si bea alonzo at magiging artista ka pagdating ng mga aliens, at pag nalipat na sa pwet ang mukha ng mga tao.

Hindi ako nakakatulog ng normal, umaga ako nakakatulog at gising sa gabi, Sa gabi, hindi ako makatulog. Nagpapaikot ikot sa kama. Kumakain ng cookies. Nood koreanobela. Gusto kong maexperience ulit makatulog ng maaga at magising ng maaga at magalmusal ng bonete with butter kasama ng mainit na kape. Gusto ko ulet maexperience ang sarap ng pagtulog habang tumutulo ang laway at nakasmile.
Pag minsan hindi talaga ako makatulog nanonood na lang ako ng DVD mula sa pirates of Batangas, buong magdamag nagbabakasaling dalawin ako ng antok at lumabas ang mga pinapantasya kong mga koreana sa pelikula. Pinanood ko ang lahat ng mga peyborit kong palabas ng paulit ulit, pinakapeyborit ko yung “My girl” korean version.  Pati na yung mga english na palabas na hinihiling kong magkasubtitle ng tagalog para hindi dumudugo ang ilong ko pag nagiinglishan sila ng todo. Ugali ko ng maglista ng mga kowtable sa mga pinapanood kong pelikula. Pati sa mga porn flicks eh isinasaulo ko ang mga sinasabi ng mga porn star pero kadalasan puro Ooooh at Aaaah lang ang sinasabi nila at… Okay! babawiin ko na, magsisinungaling muna ako at sasabihin kong hindi pa ako nakakapanood ng porn sa buong buhay ko! zzz.. Sabi sakin ng kaibigan kong broken hearted, ang salitang “i lab u” daw ang pinaka sinungaling na salita para sa kanya, kase pag katapos syang basteden ng 8 beses ng nililigawan nya sinagot din sya at bnreak din pagkatapos sabihan ng i lab u ng nililigawan nya, ang labo noh? parang adik lang. ang mga pinoy kase pag sinabihan mo ng i lab u, lalo na pag magsyota, automatic i lab u too din ang sagot, parang habit na lang, lalo na sa teks. lahat ng teks me kasunod na i lab u at syempre isasagot mo i lab u too, kahit hindi mo naman feel na sabihin.

Sabi nga sa isang palabas na hindi ko masyadong naintindihan dahil nga english, “Power don’t come from a badge or a gun. Power comes from lying. Lying big, and gettin’ the whole damn world to play along with you. Once you got everybody agreeing with what they know in their hearts ain’t true, you’ve got e’m by the balls.” yan ang isang linya sa pelikulang Sin City na tumatak sa isip ko kahit hindi ko naman talaga ito napanood, nagkataon lang na yun ang script at nagkataong kumapit sa utak ko. Halos kalebel lang ito ng “She loved me at my worst. You had me at my best and you chose to break my heart” ni John Lloyd sa One More Chance.

Power comes from Lying kaya hindi na ako magtataka kung bakit lahat ng nasa kapangyarihan eh mga sinungaling. Alin nga ba sa mga pinangako nila ang natupad na? at naniniwala ba kayong by 2020 eh Developed Country na ang Pinas? boo! umasa ka sa wala! hahaha! hanggat hindi naalis sa pwesto ang mga sinungaling at corrupt na opisyal ng bansa at hindi ako nagiging presidente ng pilipinas hindi matutupad yan. May ilang taon pa bago mag 2020 pero napakaimposibleng maalis sa sistemang pulitikal ng Pinas ang mga ganitong klaseng Pulitiko. Hello nga pala sa mga kababayan ko dito batangas! wag nyo kong kalilimutan pag kakandidato ng akong presidente ng pilipinas! Naalala ko pa ang sinabi ko noon sa kaibigan kong doctor, na pag ako naging presidente, ssweldohan ko lahat ng tambay at ipapa-aircon ko ang bawat kalsada ng metro manila. Tumawa sya at inilibre nya ako ng tanghalian, at sinabing matatauhan ka din tsong pag binusog na kita at inalok nya na din ako ng libreng check up sa utak.
Sa pagkakatanda ko limang taon ako nung una akong nagsinungaling. Nabasag ko yung banga sa bahay na mas mahal pa sa buhay ko.  Dahil sa takot sinabi kong Hindi ako nakabasag noon. Pero tulad ng sabi ni Bob Ong sa libro nyang MacArthur “Pag pinaniniwalaan namin kayong naglaro ng tubig kahit na kahit basang-basa ang mga damit ninyo, Kayo ang niloloko namin. Hindi kayo ang nakakapanloko”. May mga hindi maipaliwanag sa mga magulang kung bakit nalalaman nilang hindi nagsasabi ng totoo ang kanilang mga anak. Siguro dahil kilala na nila tayo dahil sa sperm at egg cells nila tayo nabuo.

Ang ending ko, naparusahan ako hindi dahil nabasag ko yung jar kundi dahil sa pagsisinungaling ko. Pinalo ako ng todo, pero pagkatapos nun, ibinili naman ako ni nanay ng isang pakete ng kornik sabay kiss sa pisngi.
Hindi ako ganun kaeksperto sa pagsisinungaling. Minsan madali akong mabuko. Madali lang malaman kung nagsisinungaling ako. Kaya malamang hindi ako epektibong Pulitiko balang araw, pero magpapraktis ako para matupad ang pangarap sakin ng mga pinoy na edad 3 pababa at ng mga hindi pa ipinapanganak na maging future mr.president.

Kaya kung tatanungin mo ako kung isa akong sinungaling, nagbobolahan na lang tayo kung sasabihin kong hindi, e ikaw?


Everyone looked FORMAL and DECENT in old Manila. I am wondering what decade this was.

Quiapo WAS so nice.

Manila WAS so beautiful.


Alin ang mas trip mo?
Rich or poor?

Sa mga pelikula, parating magkaaway ang mga mayayaman at mahihirap.
And as usual, katulad ng madalas nyong napapanood,
parating kawawa ang mahihirap sa kamay ng mga mayayayaman, pero, kadalasan, mga mahihirap ang bida sa mga teleserye o pelikulang yun.
Mga matatapobre ang mayayaman, parating magara ang suot, at kahit nasa bahay lang akala mo aatend ng best actor and best actress award.

At pag lab story naman ng mahirap at mayaman, asahan mo na palaging tutol sa relasyon ang mga magulang ng rich kid, at ang nakasanayang twist ng pelikulang filipino, yayaman ang mahirap.

Pero, pano kaya kung baliktarin naman natin.
Ang mga mahihirap ang mayabang, matapobre at mapanlait.
At mayayaman naman ang parating inaapi.

Scene:

Naimbita ang isang mayaman sa house party ng mga pulubi malapit kung san sya nakatira.

Rich Kid: (Nakatungo habang pumapasok sa sira sirang bahay kung san nagaganap ang party)

Pulubi: Anong ginagawa ng isang amoy aircon dito sa teritoryo ko?! Alam mo bang bawal ang mga hampaslupang katulad mo dito!?

Rich Kid: Kaibigan po ako ng anak nyo, inimbita nya po ako dito. Nabalitaan din ko po kase na madami daw po kayong mga naipong pagkain galing sa basurahan, baka po sana pwede akong maki join.

Pulubi: Maki join? Haller!!Hindi ka nababagay dito! Tingnan mo ang sarili mo? bagong ligo, bagong damit, brand new cellphone, at havaianass. Ewwwww!! At ano yan? me hawak ka pang starbucks coffee? iniinom mo yan? Yuckkk! na-t-take yan ng stomach mo? You’re so kadurdur talaga!

Rich Kid: Napadaan lang po kase ako dun kaya naisipan kong bumili ng mamahaling kape, pasensya na po kung sumasakit ang ilong nyo sa amoy expensive na kape ko at pati na din sa amoy sossy kong outfit.

Pulubi: You know what? I can’t take the smell na nga e. So mabantot! Nakakahiya tuloy sa mga amiga kong taong grasa dito! Ayan o, pinagtitinginan ka na nila, hindi ka na nahiya.
Nagaamoy mayaman na ang crib ko! Oh my gahd! Ewwwww!!

Rich Kid: Maaaring mayaman nga kame! Pero di nyo ko dapat nilalait lait ng ganyan!
Kayo! mga pulubi nga kayo, hindi naliligo, namumulot ng basura, kumakain ng mga tira-tirang pagkain, mga amoy libag, pero it doesn’t mean na pwede nyo na kong tratuhin ng ganyan!

Pulubi: GUARDSS!! (dumating ang dalawang bote-dyaryo boys) Kaladkarin ang hampaslupang yan palabas dito!

Rich Kid: Balang-araw magiging mahirap din ako! at pagdating ng araw na yun, sisiguraduhin kong luluhod din kayo sakin!

Pulubi: Che!!

OH ANO? ANONG TRIP MO?


Naglilipat bahay po ako kaya po ang dami ko agad furnitures dito sa bahay ko!

From FS to WordPress!!

maraming SALAMAT !!


BASIC FACTS ABOUT JK

BRAND NAME: JKR

GENERIC NAME: JAN KENNETH RUBIAN

ACTIVE INGREDIENTS:

Humor 250mg/capsule

Independence 500mg/capsule

Math intelligence 000mg/capsule

Rx:

Take 500mg of JK RUBIAN twice a day for seven days

“To be taken seriously”

INDICATION: Anti-Stress Capsule, Appetite Stimulant.

A non-narcotic, well-tolerated, simple guy with worry free
attitude,

It provides greater relief from stress than conventional
drugs around…

ADVERSE EFFECT: Dose dependent, Might be Addictive once
taken without Doctors advice, can be taken in open mindset and style.

Store in a cool dry place.

Cannot be dispensed without Prescription.

WARNING: JK RUBIAN might be dangerous to your health.

If problem persist, consult your doctor.


Napakarami kong kilala na kung magpaulan ng mura eh isang milyon Kailangan mong magkapote at magpayong, tipong Tangina here! Tangina mo there! Tangina mo everywhere! Nakakadugo ng tenga..Kahit nga isang mura lang pero malutong pa sa bagong pritong kropek..
Isa pa itong dating kapitbahay ko, kung magmura, wala ng bukas.. Magkokumbulsiyon ang makakarinig. Yun bang magkkwento lang sya e tinatadtad pa ng mura, nagmumura sya kahit masaya ang kinekwento nya at eto pa, kahit bumabahing sya e may mura pa ding kasama, ang “hachinnggg” naging “paksyetttt!!”

Kahit ako inaamin ko nagmumura din ako, madalas, araw-araw, at kahit masaya ako napapamura din ako, at hindi ko alam kung bakit. Nagmumura ako, pero ang mga mabibigat kong mura ay inilalaan ko sa sitwasyon at di sa tao.”Tanginang, kape to ang ineeet.””Bwaka nanginang exam to ang hirap.”

Nagsearch ako sa google para hanapin kung san nagmula ang pagmumura..eh la akong nahanap..mga pornsites lang at mga kung ano anong pop-ups ang kinahantungan ko.
May ibang tao kasi na hindi naman kailangang magmura eh kailangan talagang idikit sa daily living nila ang mga salitang ito…

Paunawa: Ang mga susunod na pangungusap ay hindi na pambata.
Tipong: Alam mo ba, yung katabi kongmanong sa tang-inang bus kanina, amoy putok! Eh itinaas pa niya yung pukinginang siko niya…eh kaputa-putahan, lumakas pa hangin..langhap na langhap ko..bwaka ng inang yan.

Meron din yung nagkuwento sa aking na-isnatchan ng celphone…
“walanghiyang tao yun kundi ba naman mal-edukado, filibustero, hayop, demonyo, inutil, primitibo, tarantado, gago, tonto eh di naman niya pinaghirapan eh kukunin pa niya ng sapilitan… letse talaga!!!”

Kung napansin natin whether wala yung profanity, it didn’t erase the meaning of the sentence..di kailangan sa buhay ang pagmumura, pero hindi natin maiwasan dahil nakasanayan na.
Sabi ng iba…okay lang magmura basta matanda ka na at alam mo na ang ibig sabihin ng mga sinasabi mo….naman! Mapabata ka pa o gurang ka na..di magandang gawain ang pagmumura…
Sa panahon ngayon, sobrang dami ng kabataan ang makariringgan mo ng walang pasintabing pagmumura, kahit dinig pa ng matatanda, kiber nila..Grabe na rin ang evolution ng mga mura. Merong paksyet (coined from fuck at shit), Bwakanang-ina na hindi ko alam kung saang variation nagmula, at hindi kabigla-biglang malaman na some of our profanities are not pure tagalog at all but influenced by more than 300 yrs of spanish occupation.

Ang putang-ina daw ang pinaka-worst of Filipino vulgarities. Nakaka-opensang marinig kahit walang intensiyong mag-insult directly…Para sa iba balewala lang. Pero syempre, depende sa pagkakasabi.

Ito pa ang ibang nalaman kong trivia tungkol sa mura.
Punyeta – Ang puñeta ay mexican for ‘to make a fist’, a reference to the act of masturbation. Punyeta really means,”to annoy,” “to pester,” or “to masturbate.
Leche-Ang ‘leche’ in spanish ay milk, but in mexican it could refer to a lot worse, again a reference to the above. What is also interesting is the way spanish swear words become common words in tagalog like puto (rice cake) – is spanish for homosexual, gay prostitute.
Pindejo (asshole) – literally the hair down there.
Coño (affluent class) – Tawag ng mga pinoy sa mga maarteng sosyal, but actually it’s just spanish for cunt.

Yan ang ilang mga nareserts kong mga mura, at ang iba wala na akong pakealam, dahil wala na din akong mahanap.
Sa restaurant:
Waiter: ano po order nila?
Amo: whole roasted chicken. ikaw inday?
Inday: I’d like to have a dish of sauted pork n’ chicken boiled in
thick essence of soy sauce and vegies like carots, cauliflower and
baguio beans sprinkled generously w/ fine spices & spring onion and
helpings of root crop and rice, please.
Amo: bigyan mo daw ng chopsuey itong putanginang ‘to!

Teacher: Pedro, meron akong 1 kilo baboy, hinati ko sa dalawa?
Pedro: 1/2 kilo po ma’am
Teacher: ung 1/2, hinati ko pa ulit?
Pedro: 1/4 po, ma’am
Teacher: e hinati ko pa?
Pedro: 1/8 po
Teacher: hinati ko pa? at hinati ko pa ulit ng dalawang beses?
Pedro: eh, tangina mo pala mo mam, eh… giniling na yun!!

Bulaklak ng dila, sabi ng ilan.
Meron akong kilalang parang bawat pangungusap eh nag uumpisa sa mura
at nagtatapos sa mura.
Hindi naman daw nila inensiyon yung talagang meaning ng mura kundi,
naging self expression na.
Bad yan, sabi natin sa mga bata, pero natatawa naman tayo kapag ang
isang batang maliit eh marunong magmura o mag dirty finger sign.
May mabuti bang dulot ang pagmumura? Syempre wala, pero hindi natin maalis sa ating pang araw araw na pamumuhay.
At kelan mo nga ba masasabing “minura ka”?

Nag-evolve na rin ang gamit ng mura sa panahon ngayon. Talamak din ang pagmumura sa musika. Kaya nga may “Parental Advisory: ExplicitLyrics”. At sa explicit na ‘yun nakilala ang E-heads, ngunit mild pa kung tutuusin. Expression na rin siguro. Pero matutukoy mo naman kung offensive na ang mura o expression lang.

Di ako writer pero aminin natin na mas tagos sa damdamin kapag ginamitan mo ng ilang mura ang mga pangungusap mo. Makikita mo ito sa gawa ni Bob Ong na Macarthur. Isipin mo kung walang mura ang librong ito. Baka walang dating. Inilalabas din kasi ng mura ang malalim na emosyon ng tao. Korek? korek. Palagay ko kaya lang naman nagagamit yun eh para mabigyan ng strong expression ang mga sinasabi. Sabi nga ni Patrick kay Spongebob “Its a sentence enhancer. You just springkle it all over the sentence to give it a little spice!”

Kung open-minded ang mga tao sa paligid, sa tingin ko ok lang ang mag-mura. Pero mas kaaya-aya kung alisin na lang sa sistema ang pagmumura. Tama lang ang tradisyon natin na pagbabawal ng mga magulang at mga guro sa eskwelahan ang pagmumura. Di rin naman kasi nakakabawas ng badtrip kung i-express mo ito pag problemado ka, pero minsan masarap talaga magmura lalo na kung feel na feel mo magmura. Tangina diba?